John Prats gets his first title role after 17 years in showbiz
By: Ambet Nabus   From: Philippine Entertainment Portal
[October 4, 2008]

After 17 years, ngayon lang matatawag ni John Prats na title roler na siya ng isang importanteng TV project. Ito ang masayang ibinalita ni John sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ilunsad sa media ang upcoming fantaserye ng ABS-CBN, ang Komiks Presents Mars Ravelo's Tiny Tony.

Simula ngayong October 11, mapapabilang na si John sa mga Pinoy superheroes na masayang pinanonood ng mga kabataan at buong pamilya kapag Sabado ng gabi.

"I'm overwhelmed! Ngayon ko lang talaga naramdamang artista ako. It took almost 17 years bago ako nabigyan ng solo starrer kong matatawag and it's worth the wait dahil nang mabasa ko ang kuwento, parang sinadya talaga para sa akin," masayang lahad ng young actor.

Once and for all ay nilinaw ni John ang napabalitang nagbalak siyang lumipat sa GMA-7, matapos niyang maramdaman na masyado nang mabagal para sa kanya ang TV career niya sa ABS-CBN.

"Totoo po yun," pag-amin niya. "Nagpaalam din akong pupunta muna sa States dahil ganun nga, parang wala nang nangyayari sa akin dito. Pero hindi nila ako pinayagan. They first gave me Your Song [with Aiko Melendez] at ito na nga ngayon, ang Tiny Tony. This completed everything."

Sinusugan naman ito ni Mr. Biboy Arboleda, isa sa top executives ng Kapamilya network. Sabi nito, "Because John has been a long time member of ABS-CBN, we owe to give him projects na talagang babagay sa kanya. Wala naman pong rigid rules kung alin o hindi ang para sa isang artista namin, pero lahat po ay may kanya-kanyang timing lang. May nauuna lang talaga. But this time, perfect na perfect for John ang role ni Tiny Tony. Pati age niya, perfect kaya't wala na talaga kaming ibang ikinunsider sa role kundi siya lang."

Aside from the actor's regular dancing stint over at ASAP '08 every Sunday noon, he also manages his billboard printing business and his younger sister Camille's and his nursery school.

"Iyan ang ilan sa mga natutunan namin sa showbiz," sabi ni John. "Nothing is permanent kaya't mabuti na yung may fallback ka once na talagang umabot ka na dun sa point na wala na, wala nang showbiz career," paliwanag nito sa PEP.

Inilarawan din ng young actor na masaya ang kanyang love life ngayon. Exclusively dating sila ni Shaina Magdayao at sinabi niyang malaking impluwensiya sa kanya si Shaina.

"Siya rin ang nagbibigay ng energy sa akin kapag sobrang low na low na ako o wala nang baterya kapag pagod na sa taping o shoot. Masaya kami at sana magtuloy-tuloy," detalye ni John.