John Prats keeps distance on reported problem of Shaina Magdayao's family
By: Julie Bonifacio   From: Philippine Entertainment Portal
[April 15, 2008]

Inimbita ni John Prats ang rumored girlfriend niya na si Shaina Magdayao sa premiere night ng Manay Po 2: Overload last Sunday, April 13, sa SM Megamall Cinema 6. Sad to say, hindi nakarating si Shaina.

"May show siya," sabi ni John nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa late dinner ng Regal Films sa Max's restaurant pagkatapos ng premiere night.

Bulung-bulungan sa showbiz last week na naglayas ang ina ni Shaina na si Mrs. Dianne Magdayao sa bahay nila. Aware ba si John na may ganitong usap-usapan sa pamilya ni Shaina?

"Naririnig ko but that's their ano [personal life], e. I don't want to butt in. I'm aware about the issue because I always talk to her [Shaina]," pahayag ni John.

Anong tulong ang ini-extend niya para kay Shaina?

"Wala pa naman siyang nababanggit. Pero kumbaga, hindi naman namin napapansin yun."

Bilang special friend ni Shaina, hindi ba siya nababahala sa tsismis tungkol sa pamilya ng young actress?

"No, I'm always here for her," sagot ng binata.

May napansin ba siyang pagbabago kay Shaina?

"Wala," sabay iling ni John. "Ano, happy siya; and ako rin, happy ako."

Wala ba siyang nakikitang sign kay Shaina na nabibigatan siya dahil sa problema?

"Not a single sign," aniya.

May napansin ba siyang kakulangan sa loob ng bahay ni Shaina kapag dinadalaw niya ang young actress?

"Grabe naman!" natatawang sabi ni John. "I don't want to butt in to that kasi kung anuman. If ever there is, kumbaga, it's their family."

Meron ba siyang gustong sabihin o mensahe kay Shaina na hindi niya masabi kapag magkasama sila?

"Hindi ko na kailangan ng message sa kanya because I always tell her every day," sambit ng binata.

Any encouraging words for her to stay strong?

"No need because she's always strong," maikling tugon ni John.