By: "Manay Po 2: Overload" mas nakakatawa at mas maraming sorpresa From: People's Tonight [April 11, 2008] Si Rufa Mae Quinto ang sexy baby maker na manggugulo sa relasyon ng mga baklang sina Oscar (Polo Ravales) at Adrian (Sid Lucero). Si Orson (John Prats) naman ang Ms. Gay University pageant winner, na ngayo�y tapos na ng kolehiyo at isa nang interior designer. Handa na rin itong makahanap ng totoong pag-ibig. Nagladlad na rin si Orwell (Jiro Manio), na nangangarap na maging swimmer o beauty queen. Samantala, dumami naman ang problema ni Luzviminda (Cherry Pie Picache) sa mga bading na anak, bukod pa sa pagloloko ng partner niyang si Jerry (Christian Vazquez). Kasama rin nina Rufa Mae, Polo, Sid, John, Jiro, Christian at Cherry Pie sa nasabing pelikula sina Giselle Sanchez, IC Mendoza, Rubirubi, Mike Tan, Alex Castro, Charles Christianson, Marco Alcaraz at marami pang iba. Lahat sila�y nagsasabing mas maganda ang MP2 sa MP1. �Ngayon, alam ko na �pag nasa office ako, prim and proper, pero paglabas, girl na talaga ako,� ani John, explaining his character, Orwell. �Mas marami akong punchline na binitawan at hindi na ako nahirapan kasi comfortable na ako sa character ko,� dagdag pa niya. Maganda rin ang chemistry nina Polo at Sid, at nina Rufa Mae at Polo. ��Buti na lang kilala ko sila bago ko gawin �yung movie, kaya hindi na ako nahirapang mag-adjust at maging kumportable kasama sila,� ani Polo. Aminado rin ang actor na �piece de resistance� ng MP2 si Rufa Mae. �Sobra! Para kaming halu-halo at si Rufa Mae ang ice cream!� aniya. Ang Manay Po 2: Overload ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa April 16. Magkakaroon ito ng premiere night sa Linggo, April 13, sa SM Megamall. |