By: Ruel Mendoza From: Abante [April 17, 2008] Sabi ni John, hindi niya alam na aabot sa gano’n ang problema. Inamin ni John na napag-uusapan nila ni Shaina ang problema ng bawat isa. “Hindi naman tinatago sa akin ni Shaina ang problema nila. Alam ko naman iyon pero hindi ko alam kung gaano na ba siya kabigat. Ang alam ko lang, may problema sila,” sabi ni John. Ayaw makialam ni John sa problema ng pamilya ni Shaina kaya pinalalakas na lang daw niya ang loob ng dalaga. “Kung titingnan mo kasi si Shaina, wala kang makikitang problema sa kanya. She’s strong at hangga’t maaari ay ayaw niyang iparamdam na may problema siya. Professional siyang tao at maayos pa rin siyang magtrabaho. Bilib ako sa kanya kasi kinakaya niya.” Maaasahan daw ni Shaina ang moral support mula kay John at sa pamilya nito. Ganyan kaimportante si Shaina sa buhay ni John. “Lahat naman ng mga taong importante sa akin ay binibigyan ko ng moral support. Sa kaso namin ni Shaina, halos parati kaming magkasama sa trabaho kaya maaasahan niya talaga ang suporta ko. “Gusto ko lang naman na maging masaya siya parati. Ayokong nakikita siyang malungkot o umiiyak. Kasi naaapektuhan din ako. Lagi lang niyang asahan na nandito ako parati. I am always here for her and her family.” Hindi ba naisip ni John na may kinalaman siya sa paglalayas ni Mommy Dianne sa bahay nila Shaina? “Bakit naman? Siguro naman, hindi ako enough reason para umalis ng bahay si Tita Dianne. Tsaka, wala naman kaming problema. Huwag naman nila akong i-pinpoint dahil wala akong kinalaman.” |