By: Melba Llanera From: Philippine Entertainment Portal [October 24, 2009] Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John, agad naming hiningi ang reaksyon niya tungkol sa nabalitaang sighting na ito. Agad namang kinunpirma ng aktor na talagang nandoon nga ang girlfriend niya. "Inaya niya ako pero wala ko dun because I was taping Banana Split. Birthday kasi ng friend niya, si Ate Tess, yung makeup artist niya, so nilibre niya sa Katips. Sa Katips kasi, sila Mommy Dianne [Magdayao], friend nila yung may-ari at pagka umiinom sila or gathering, nandun sila. "Actually, natatawa nga kami kasi grabe ang mga tao, they never stop to amaze me on how they make up stories like that. Mali-mali yung kuwento. Di po siya guy, isa po siyang 'babaeng guy.' Actually foreigner daw yun, kinuwento lang ni Ate Tess." Ayon kay John, kahit pinagtawanan nila ni Shaina ang mga lumabas na kuwento, sana naman daw ay huwag nang magdagdag ng mga hindi totoo. "Huwag na yung may mga plus-plus. Unfair kasi di lang kay Shain kundi kahit sa lahat naman ng tao na gawan ng istorya. It's really unfair. 'Wag naman sana tayong mag-imbento ng mga kuwento." Nang tanungin naman kung kamusta sila ni Shaina, he assured us na maayos ang itinatakbo ng relasyon nila. "We're very much okey. We're happy and wala naman kaming problema. ONDOY AFTERMATH. Isa sa pinaka-naapektuhan ng bagyong Ondoy ay ang subdivision nina John sa Cainta. Kinumusta namin ang lagay ng pamilya niya at tinanong kung totoo ang balitang marami raw sa village nila ang nagalit sa pamilya niya dahil nagkulang daw sila sa pagtulong sa mga kapitbahay nung binaha ang lugar nila. "Okey na naman, naka-recovered na ang lahat. Sana wala nang dumating na bagyo kasi parang kababangon pa lang ng lahat. "Basta kami ginawa namin ang part namin. Di naman dapat sabihin kung ano man yun. Basta alam naming, may nagawa kami. May mga tao lang talaga na ganyan, so hinahayaan na lang namin." Regular na mapapanood si John sa Banana Split at ASAP '09 ng ABS-CBN, at sa Moomoo and Me ng ABC5. |