By: Glen P. Sibong From: Pep.ph [August 22, 2009] "Akala ko talaga hindi ako papayagan, e. Ang tagal na kasi, hindi pa nagbibigay ng word ang ABS kay Arnold (Vegafria, John's manager). Until finally pumayag din sila. Actually, we're hoping na... kasi magsa-sign ako ng contract with ABS next week. One year, ang bilis nga, e, one year na pala yung last na pinirmahan ko. Siyempre, ang gusto namin magtagal din naman yung Moomoo & Me kasi ang saya-saya talaga, e. And yun, hindi lang namin alam kung kailan ako ipu-pull out. Kasi yun ang napag-usapan namin with Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN executive). Ang word niya kasi pahiram. So, sabi ko, okay," rebelasyon ni John Prats nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press sa presscon ng Moomoo & Me na ginanap noong August 20 sa Alex III Restaurant sa Tomas Morato extension, Quezon City. Pero paano kung tangkilikin ng mga tao ang Moomoo & Me, iiwanan na lang ba niya ito kapag kinuha na ulit siya ng ABS-CBN? "Hindi ko nga muna iniisip ngayon, e. Well, siguro magagawan naman ng paraan yun. Basta ngayon, ayoko munang isipin, kasi enjoy na enjoy kami sa paggawa nitong Moomoo & Me." Ginagampanan ni John ang role ni Oscar, isang mabait na multo, na kaibigan ng batang si Junjun, played by BJ Forbes. Masasangkot ang magkaibigan sa iba't ibang adventures at katawa-tawang mga pangyayari dahil sa paglutas nila sa mga problemang darating sa pamilya ni Junjun. Bukod kay John at BJ, kasama rin sa cast ang real-life couple na sina William Martinez at Yayo Aguila, at sina Saab Magalona, Tiya Pusit, IC Mendoza, Empoy, Celine Lim, Paul Salas at Benjie Felipe. Directed by Soxy Topacio, mapapanood ang Moomoo & Me tuwing Huwebes, 8 p.m., simula sa September 10. REUNION WITH WILLIAM AND YAYO. Nagsisilbing reunion project itong Moomoo & Me para kina John, William at Yayo dahil nagkatrabaho na sila nine years ago bilang pamilya sa youth-oriented show noon ng ABS-CBN na G-mik. So, how is it working again with William and Yayo? "Parang walang nagbago. Parang si Tito William, kung gaano kaloko sa set, ganun pa rin. Yung tinapay pinupunas sa pawis tapos kakainin. Ganun siya, e, sa G-mik palang ganun na siya. Si Tita Yayo naman is always a mother, e. Parang napaka-motherly ng dating niya sa akin. Dahil siguro sa G-mik na for three years nanay namin siya, e. So, pag nakikita ko siya, Mommy Yayo talaga ang tawag ko sa kanya." Ano ang sabi sa kanya ng girlfriend niyang si Shaina Magdayao ngayong nagbibida na ulit siya sa sitcom ng TV5? "Excited siya. Sobra siyang excited kay Direk Soxy Topacio kasi hindi niya makakalimutan si Direk dahil ito ang naging direktor niya sa kanyang first TV show na Lira. Sinasabi nga niya, one of our taping days dadalaw siya. Kasi ang tagal na niyang hindi nakikita si Direk Soxy." EVERY DAY IS A DAYSARY WITH SHAINA. Speaking of Shaina, kumusta naman sila ngayon? "Okay kami. Actually, sobrang wala na akong mahihingi pa, e. Dati kasi iniisip ko siyempre, kailan kaya ako magkakaroon ng stable na lovelife. Ang dami kong gusto, e. Now, I'm more focused sa career kasi alam ko nandiyan siya to support me. Hindi na ako naguguluhan na maghahanap pa ng mamahalin. I'm okay with my life right now." Gaano katagal na ang relationship nila? "Actually, wala kami yung exact date na may anniversary, e. More or less mga three years na kami. Wala kasi kaming anniversary, wala kaming monthsary. Ang sabi ko this time... kasi bigla na lang parang nag-iba yung perception ko sa love. Parang when you have an anniversary... ewan ko, sa akin lang naman, parang nagbibigay ka ng start and there's an end, for them. So, parang lahat relationship na ginanun ko nag-end up talaga. So, sabi ko, eto na lang this time I will spend my every day with you as a daysary. So, every day is a daysary. Tapos wala ka pang pressure na may deadline ka na you have to prepare a special gift. So, ngayon mas unpredictable kasi bigla ka na lang may gift sa kanya. Bakit? Wala naman tayong occasion. Every day kasi is an occasion for us, e. Kahit di kami magkasama, kahit magkasama kami." Ano ang terms of endearment nila sa isa't isa? "Ang tawag ko sa kanya, nakakatawa, kasi wala lang kami, kaswalan lang kami. Ang tawag ko talaga sa kanya is Shai, ever since. Siya lang ang tumatawag sa akin ng JP. Kasi sa bahay ang tawag sa akin Paolo. Tapos sa work John, John Prats. JP, John Paolo kasi." WANTS TO MARRY SHAINA. Diretso na ba sa kasalan in the future ang relasyon nila ni Shaina? "Sana , sana talaga. Lahat naman tayo... syempre ayoko namang sabihing oo tapos biglang hindi. So ako, hoping talaga ako na sana siya. Kasi sayang naman yung mga time na nag-spend kayo, nandun yung emotional investment." Pero may tipong biruang usapang kasalan na ba sila? "Siyempre hindi naman mawawala yun. Lahat naman ginagawa yun." Ano ang marrying age para sa kanya? "Kung ako ang tatanungin mo, siguro ranging from four to five years from now, or five to six." Ilang years ba ang gap nila? "Five years. I'm 25, she's 20." Nagwo-work ba ang age gap nila sa kanilang relationship? "Ako feeling ko nagwo-work kasi ang babae kasi mas mabilis mag-mature kaysa sa lalaki, e. So, five years medyo nami-meet na kami sa same level ng pag-iisip." Ano ang mga nagustuhan niya kay Shaina? "Refreshing siya, e, sobrang refreshing." Isang press member ang nagbiro kay John na parang Coke ba ang pagiging refreshing ni Shaina? "For me parang times five pa ng Coke," natatawang sagot ni John. "Well, sabi ko nga refreshing siya. Parang after work pag nakita mo siya parang it's a a new day and malambing, understanding at ang pinakahigit sa lahat yung kolokoy siya, e. Alam mo yun, may baliw factor siya na wala siyang pakialam kung ano ang magiging hitsura niya kapag nagdyo-joke siya. And maalaga siya, mahilig sa mga bata. Siyempre, pag nakikita mong ganung mahilig sa bata, nakikita mo na may future as a good mother." FAMILY'S APPROVAL. Tanggap na ba ng bawat pamilya nila ang kanilang relationship? "Finally, sa akin kasi siyempre hindi naman ako gusto ng family niya at first, di ba? Siyempre, bunso siya and baby siya ng buong family. I have to prove myself and I will never ever stop proving myself to them." Paano niya nakuha ang approval ng family ni Shaina? "Hindi ko sinasadya, e. Siguro time lang, pagtagal-tagal natanggap na rin nila ako. Nag-effort din ako to spend time with them. You should give time na at least makilala ka nila and makilala mo sila. Kasi siyempre family siya ni Shaina. Sa akin naman wala siyang naging problema sa family ko dahil love na love siya ever since, e, ng family ko. I'm happy na finally natanggap na ako ng family niya." DREAM WEDDING. Since napagbibiruan na nila ang kasalan, ano ang dream wedding niya? "Actually, 'yan hindi ko pa naiisip, e. Ang dami kong gusto, e. Dati gusto ko ng beach wedding pero parang common na siya ngayon. Basta ako I just want a simple wedding, solemn wedding." Magiging open ba ito sa public o "silent" wedding katulad ng kina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos? "Kasi ako gusto ko sana... ako anything kahit ano walang problema sa akin. Basta ako I believe wedding days para sa babae yan e, araw ng babae yun. So, kung ano ang gusto niya, maglalabas lang ako ng pera, siya na ang masusunod," may halong birong sabi ni John. Napag-usapan na rin ba nila kung ilang anak ang gusto nila? "Ay, hindi pa naman. Pero kung ako, four is okay. I want a big family kasi malaking family kami, e, at malaking family din sila. Masaya pag malaki ang pamilya, e." Unti-unti na ngang sine-secure ni John ang future niya, as well as ang future nila ni Shaina kaya nga bukod sa pag-aartista ay may billboard printing business si John. Lumalaki na raw ito lalo nga't lahat ng billboards ng Bench ay sa company na nila pinapa-print. |