By: --- From: Pinoyparazzi [October 12, 2009] Matindi itong tinutulan ni Daddy Dondie nang bisitahin namin ito sa kanilang village noong isang linggo. Pinakita nito sa amin ang naging epekto ng baha sa kanilang opisina sa kahabaan ng Imelda Avenue. Abot hanggang dibdib ang tubig at kinailangan na ilikas nila ang kanilang mga computer at iba pang kagamitan sa opisina. Sunod na ipinakita sa amin ni Daddy Dondie ang anim nilang sasakyan na inabot din ng tubig. Naabutan pa namin ang isang sasakyan niya na ready nang hatakin ng mga mekaniko. Natunton na namin ang Village East at hanggang ngayon ay bakas pa rin ang epekto na idinulot ni Ondoy. Maputik pa ang ilang bahagi ng village at ang basura ay tambak pa sa ilang mga kanto. Kita mo ang taas ng tubig na bakas sa mga dingding ng mga bahay. Hindi nga lahat ng bahay rito ay may second floor kaya wala na talagang natira rito. Naroon din ang ilan pang mga sasakyan na inanod ng baha at hindi pa nahahatak ng mga mekaniko. Personal pa naming binisita ang bahay nina John Prats at ipinakita sa amin ni Daddy Dondie ang ilang mga litrato at videos sa kasagsagan ng baha. Parang dagat ang sitwasyon sa harap ng kanilang bahay sa bilis ng ragasa ng tubig. May creek pala sa loob ng village nila at ang parang �dike� na humaharang sa pag-apaw ng tubig at �yung dikeng iyon ay nasira kaya tuluyang pumasok sa village ang baha. Rinig pa nga namin ang boses nila Daddy Dondie at John sa kanilang pinakitang video. Masama ang loob nina John at Daddy Dondie sa mga kumakalat na balita. Sa katunayan, kinabukasan matapos ang bagyo, nagpadala na sila ng mga trak para mailikas ang ilang mga kapitbahay nila. Pati nga mga sasakyan nila sa opisina na hindi naman pagmamay-ari ng village ay ipinagamit nila. Hanggang sa mga oras na binisita namin ang village, mga tauhan pa nila Daddy Dondie sa kanilang opisina ang tumutulong na mai-clear ang mga kalsada sa tambak-tambak na putik. Imbes na mapikon at magalit, ay pinapasa-Diyos na lang ni John ang mga taong naninira sa kanila. Sinabi pa niyang, buti na lang at last term na nang kanyang ama bilang presidente ng homeowners association nila at hindi na ito tatakbo. Walang katotohanan na nauna pa silang lumikas noong bagyo. �Paano naman mangyayari iyon, e, kahit kami hindi makalabas ng bahay sa taas ng baha, so paano kami ang mauunang lumikas?� tanong ni John. Naikuwento sa amin ni Daddy Dondie, na nakapagpaanak pa sila ng isang buntis noong kasagsagan ng bagyo sa may �di kalayuan sa kanilang lugar. Sa isang bahay sa tapat ng kanilang clubhouse, may isang buntis na manganganak na. Si Daddy Dondie pa ang naghanap at nagbahay-bahay para makakuha ng suwerong gagamitin. Kaya imposible raw ang mga kumakalat na kuwento. |