Shaina on John: "Sana kami na magkatuluyan"
By: Archie de Calma   From: ---
[April 11, 2009]

Botong-boto nga raw kasi si Camille kay Shaina para sa kapatid nitong si John. Hindi na raw ito nakapagtataka, ayon kay Shaina.

"Kami ni Camille, we practically grew up together," sabi niya. "Naging very close na at grabe ang bonding ng relatives namin. Wala akong nakikitang magiging problema.

"Sana nga, kami na ni John ang magkatuluyan. Pero ang nakikita ko kasi, matagal pa yun. Hindi talaga namin napapag-usapan, even the possibility na basta kami magpapakasal. Mga ten years pa, tingnan na lang natin!" natatawang sabi ni Shaina.