By: Glen P. Sibonga From: pep.ph [June 28, 2010] Narito ang interview ng The Buzz host na si Boy Abunda kay John Prats: Boy: Habang nasa abroad ka, you're part of the tour of Sarah (Geronimo's Record Breaker U.S. concert) dahil ikaw ay panauhin. Nasaan ka noong kasalukuyang ipinapalabas sa Buzz ang aking exclusive interview kay John Llloyd? John: Well, ang naka-receive ng text is yung taga-Viva. Actually, nasa L.A. (Los Angeles) kami...pa-last show na namin. Yun nga, nagsalita na si John Lloyd at yun nga inamin na niya na sila na (ni Shaina). Boy: Ano ang reaksyon mo? John: Nung nalaman ko yung balita, wala naman akong naging reaksyon. Parang okay. Hindi ako na-hurt or hindi ako nalungkot. Parang wala lang, parang wala lang sa akin. Boy: Do you expect your fans... do you expect me... do you expect the public to believe you? John: Well, hindi. Boy: Because the public, we expect you to be hurt. And why are you not? John: To begin with, natutunan ko na pag nagmahal ka all-out. That's why lahat ginawa ko. Boy: Officially, kailan kayo naghiwalay ni Shaina? John: That was November last year... last week of November. Boy: How did it happen? John: We had a fight. And then yun, nag-start lang naman kami as cool-off, ganyan. But we never saw each other after that. Boy: Gaano katagal ang iyong relasyon kay Shaina? John: Matagal din...my longest. Boy: Your longest? Which is, two years? John: Almost three. Boy: In my interview with John Lloyd Cruz, sinabi ni John Lloyd na kayong dalawa pala ay nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. What is your side of the story? John: Yes, oo totoo. He called me, nag-usap kami. But he explained lang na hindi siya pumasok sa relasyon namin during nung kami. At yun ang gusto kong paniwalaan pa rin hanggang ngayon. Ang gusto ko lang linawin, yung sinasabi na baka nagsalita ako ng masama against them. I never talked. Never akong nagsalita. Never akong nagpa-interview. Boy: It was mentioned in the interview. Bakit umalis ka sa dressing room sa ASAP kung saan magkasama kayo ni John Lloyd? Were you uncomfortable? You were together for years. John: Of course, Tito Boy. At saka magkaibigan kami, e. CLEARING THE RUMORS BEHIND TWO INCIDENTS. Hindi pa man umaamin sina Shaina at John na nagkakaproblema sila sa kanilang relasyon, sunud-sunod naman ang mga tsismis na nagkakalabuan na nga raw sila at ang itinuturo ngang dahilan ay ang panghihimasok umano ni John Lloyd. Kaya tinanong ni Boy si John tungkol sa dalawang insindenteng naging kontrobersiyal at naging laman ng tabloids. Boy: Dalawang insidente ang nais ko lang itanong at iklaro sa iyo. May mga usap-usapan na niyayaya mo raw si Shaina na umuwi na. Ayon sa mga usap-usapan, sabi raw ni Shaina, ayaw pa niya. Pinipilit mo and then you left. And then allegedly, Shaina stayed behind because John Lloyd was there. You left crying. Gaano katotoo? John: Hindi naman crying. Sad lang. Boy: You never cried? John: Of course, Tito Boy, umiyak ako. Boy: And that night, ang pinag-awayan n'yo ni Shaina was John Lloyd Cruz? John: No, no. Boy: Yung pangalawang insidente na pinag-uusapan, you called supposedly Shaina kung nasaan siya. Ayon sa kuwento, sinabi niya nasa Friday's. Yun pala ay you discovered na she was at Countryside kasama si John Lloyd Cruz. Totoo ba ang kuwentong ito? John: Kagaya ng sinabi ko, Tito Boy, ayoko na sanang... Ayoko na, e, para gusto ko talaga move on lang tayo. Move on na tayo. Happy na tayo. Kasi kahit ano pang sabihin natin ngayon, nila, kahit kanino, kung ano pang sabihin, hindi na maibabalik. Boy: Diretsahan, galit ka ba kay John Lloyd? John: Hindi na. Boy: May tampo ka ba kay John Lloyd? John: Wala. Boy: Nagalit ka ba kay John Lloyd? John: There was a time. Boy: So, there was a time nagalit ka kay John Lloyd? John: Hindi naman galit. But siyempre tao ka rin, Tito Boy. REMEMBERING SHAINA. Matagal din ang kanilang pinagsamahan kaya hindi maiaalis na maalala ni John si Shaina. Gayundin ang sakit na naramdaman niya sa kanilang paghihiwalay. Boy: What was the most painful? John: Ang mahirap kasi when you wake up in the morning and wala kang tinatawagan to say good morning and I love you. Routine, e. Paggising mo, siya. Bago ka matulog, siya. Every day, yung ang mahirap, e, yung adjustment period. Feeling mo parang when you wake up in the morning, blangko. Boy: In this relationship, inisip mo bang ito yung babaeng dadalhin ko sa altar? John: Yes, Tito Boy. Boy: The best thing that Shaina did to you? John: Well, siguro every ASAP na pagdating mo may coffee kayo together. Alam mo yun. Yun yung parang pag nagkita kayo, yung ipaparamdam niya na na-miss kita. Parang one week kayong hindi nagkita, pero yesterday lang kayo nagkita. Boy: Do you miss Shaina? John: Well, kung tinanong n'yo ako niyan, Tito Boy, siguro three months ago... nakaka-miss. But ngayon alam mo at alam nating lahat na may nag-aalaga sa kanya. Magiging okay naman, e. Boy: Do you miss her? John: Of course, Tito Boy. And her family also. Sila Ate Vina, we shared moments together. Mabait lahat. I miss them. Boy: Ano ang nais mong sabihin kay Shaina, kay Vina, sa family? John: Well, thank you. Thank you so much for the happy moments. And if may nagawa ako na nasaktan siya, I'm sorry. Now that everything is ganito na, lahat tayo nakapag-move on na, sana let's hope for the friendship. Kahit dun. Boy: Kay John Lloyd? John: Alagaan niya si Shaina. Alam ko naman na gagawin niya yun. Boy: Kumusta ang kanyang puso? John: Happy. Boy: Is there anybody making you smile? John: Tito Boy, yun ang natutunan ko, e. Parang siguro after ng mga intense na nangyari in the past sa akin, ngayon ko nae-enjoy yung single life. |